Enzo Pineda gives credit to 'SAS' in rekindling romance with Louise Delos Reyes

October 07, 2013

"We're exclusively dating."

Ito ang naging sagot ni Enzo Pineda nang tanungin ng press tungkol sa estado ng relationship nila ng ex-girlfriend na si Louise Delos Reyes. Isa si Enzo sa mga naging special guests ng dalaga sa kanyang 21st birthday celebration na ginanap kamakailan sa isang club sa The Fort. We had a chance to talk to the young Kapuso actor during the party, where he candidly shared what made him decide to give love a second chance.

"Magkasama kami sa Ligang iLike. Doon yata nagsimula eh. Rather than having space, we're always seeing each other sa mga meetings so ayun, hindi nakatiis. Kapag hindi nakatiis, ganun talaga. Kapag kasama mo lagi, hindi mo rin talaga makakalimutan," says Enzo.

Dalawang taon din ang itinagal ng relasyon nina Enzo at Louise before they broke up early this year. Mutual decision daw nila ito at mas nais nilang mag-concentrate sa kani-kanilang career. It was during that time that Enzo was busy with Kakambal Ni Eliana while Louise was doing Mundo Mo'y Akin with Alden Richards.

Nagkaroon ba ng ilangan sa pagitan nila?

"There were times pero may pinagsamahan kami and I don't want to be a bad guy na parang 'oh, wala na kami.' Siyempre, I've grown as a person, as a man, because of her," sagot ni Enzo.

He adds, "Marami kaming na-experience na mga bagay-bagay, problems in life, na na-solve namin. Nag-mature ako dahil sa kanya, and I'm really thankful."

The Dormitoryo star also shared his birthday wish for Louise, who turned 21 last September 1. "More happiness, more love, siguro more success in her career. She's doing great sa career niya. I just want her to stay the same, and keep on doing what she loves doing kasi doon siya nag-eexcel. I hope mas marami pa siyang ma-achieve sa career niya."

Abangan si Enzo Pineda sa Sunday All Stars, at sa Dormitoryo bilang Burn Chavez. Keep on visiting GMANetwork.com for updates on Enzo and other Kapuso stars. Full Story




Related Posts

Previous
Next Post »
Loading...